Bayambang, Nakipag-MOA para sa BaLinkBayan Online Portal
Noong January 13 ay nagkaroon ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng LGU-Bayambang at Commission on Filipinos Overseas (CFO) para sa planong pagtatalaga ng BaLinkBayan online portal ng naturang ahensya sa bayan.
Layunin ng online portal na ito na maging gabay sa lahat ng Bayambangueño abroad, mapa-emigrante man o OFW, ukol sa mga impormasyong tulad ng retirement sa Pilipinas, pag-invest sa business, pagbigay ng donasyon o tulong sa nasalanta, at mga OFW concerns tulad ng OWWA benefits at repatriation.
Binasa ni SB Secretary Joel V. Camacho ang kabuuan ng SB Resolution No. 411 s. 2019, na siyang nag-ootorisa kay Mayor Quiambao na makipag-MOA sa CFO para sa pagkakaroon ng naturang online portal sa Bayambang.
Tumayong kinatawan ni Mayor Cezar T. Quiambao si Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr. at kumpleto naman ang buong Sangguniang Bayan (SB) sa MOA signing sa pangunguna ni Vice-Mayor Raul R. Sabangan, kasama ng mga Municipal Councilor na sina Hon. Benjamin S. de Vera (ang isponsor ng resolusyon), Hon. Mylvin T. Junio, Hon. Philip R. Dumalanta, Hon. Joseph Vincent E. Ramos, Hon. Martin E. Terrado II, Hon. Amory M. Junio, Hon. Gerardo DC. Flores, at Hon. Levinson M. Uy, at sina Liga ng mga Barangay President, Hon. Rodelito S. Bautista, at Sangguniang Kabataan Federation President, Hon. Gabriel Tristan P. Fernandez.
Sa okasyong ito ay inisa-isa ni Action Desk Officer on Migrant Concerns Gerenerio Q. Rosales ang mga plano at tulong na hinahatid ng LGU sa mga Bayambangueñong OFW. “All of us contributed to the programs we have here now. We’ll see to it that the programs catering to Bayambang-based OFWs and migrants are all sustainable,” wika niya.
Inilatag naman ni Bayambang Poverty Reduction Action Team Chairperson at Public Employment Services Office Manager, Dr. Joel T. Cayabyab, sa mga panauhin ang mga proyekto ng LGU na nakapaloob sa Bayambang Poverty Reduction Plan para sa mga taong 2017-2019.
Sinamantala ni CFO Project Management Division Chief at Emigrant Services Officer Marita del Rosario-Apattad ang pagkakataon para ipaliwanag ang kahalagahan ng CFO BaLinkBayan portal sa pagbibigay sa lahat ng Bayambangueño abroad ng “easier access to government services.” Tinalakay naman ni Department of Labor and Employment-Central Pangasinan Field Office Head Agnes B. Aguinaldo ang mga plano ng DOLE upang suportahan ang ‘diaspora engagement’ ng CFO, habang si Overseas Workers Welfare Administration Project Management Division Administrative Officer III Rozelle P. Carrera ang tumalakay tungkol sa employment activities ng overseas Filipinos.
Ang pangunahing website ng BalinkBayan ay matatagpuan sa https://balinkbayan.gov.ph/. Salamat sa MOA, nakatakdang gumawa ang CFO ng isang dedicated website ng BaLinkBayan para sa LGU-Bayambang.