Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region I ay nagdaos ng outdoor activities at bumuo ng isang OFW Children’s Circle (OCC) sa Bayambang, katuwang ang opisina ng PESO Bayambang ngayong araw, Oktubre 18, 2024.
Kasama sa aktibidad na ito ang mga batang may 8 hanggang 18 taong gulang na mga anak ng OFW.
Isinagawa ang aktibidad na ito upang tulungan ang mga bata na makayanan ang mga negatibong epekto at mga kaakibat ng problema sa lipunan ng pagtatrabaho sa ibang bansa ng kanilang mga magulang, at upang makalikha ng isang samahan na siyang magsusulong ng mga kapakipakinabang na kaalaman ukol sa kanilang mga concern.
Kabilang sa mga naging aktibidad ang mga fun and games tulad ng The Boat is Sinking, A-Z names, Amazing Race, Pass the Number, at marami pang iba.
Meron ding free snack, free lunch, at cash prizes na dala ang OWWA para sa mga anak ng OFWs.
Dumalo dito bilang faciltator sina OWWA Regional Director Gerardo C Rimorin, Ms. Jessica O. Ogbinar ng EDSP/ODSP/CMWSP Focal Person, Ms. Marivic C. Clarin na Chief for Programs & Services Division, Amapola Z. Villar, PhD., OCC Program Coordinator, Stephanie SMG Mayo, ELAP Program Coordinator, at Dennis Flores ng PESO Bayambang.
Nagsagawa rin ng election of officers ng OCC, at ang mga nahalal ay nakatakdang ipatawag para sa isang leadership training.
Pagkatapos ng aktibidad, tumanggap ng certificate ang mga kalahok bilang pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon. (Angela Suyom/SJGG/RSO; AG, PESO)